Hi, how can we help?

[Shopee Coins] What are Shopee Coins? (TAG)

For the English version of this article, click here.



Ang Shopee Coins ay opisyal na rewards points ng Shopee. Maaaring makakuha nito sa pamamagitan ng pagbili ng items, paglalaro ng games, at iba pang activities sa Shopee app. Ang bawat Shopee Coin ay katumbas ng ₱1 at pwedeng gamiting discount sa iyong mga bibilhin sa Shopee.


⚠️Tandaan

Ang coin earnings at paggamit ng Shopee Coins ay may limitasyon.

Hindi maaaring i-convert ang Shopee Coins sa cash o ilipat sa ShopeePay.

Nage-expire ang Shopee Coins matapos ang ikatlong buwan mula nang makuha ito, kung saan ang earning month ang ibibilang na unang buwan. Alamin kung paano i-check ang expiration ng iyong Shopee Coins.



Paggamit ng Shopee Coins

Maaaring gamitin ang Shopee Coins para sa:

  • Pambayad sa mga order sa Shopee

  • Payment sa mga ShopeePay merchant

  • Pagbili ng Digital Products (tulad ng mga e-voucher)

  • Pagbili ng ShopeePay Scan & Pay voucher

  • Pag-exchange ng Shopee Prize game items

  • Pag-redeem ng mga voucher.


Para gamitin ang Coins sa mga Shopee transaction, i-enable ang Redeem Shopee Coins toggle bago mag check out. 

Narito ang halimbawa:



⚠️Tandaan

Kung ang order ay na-cancel, ang iyong Shopee Coins ay awtomatikong mare-refund sa iyong Coins wallet sa loob ng 24-48 na oras. Alamin kung paano ang refund ng Shopee Coins kung ang order ay na-cancel, returned, o refunded.



Para sa pagbili ng Shopee Prizes game items gamit ang Coins, sundin ang instructions sa bawat laro. Heto ang halimbawa ng paggamit ng 10 coins para makakuha ng bubble tea para sa Shopee Pet:



Walang minimum amount ng Coins na kailangan para makadiscount sa halaga ng iyong mga bibilhin.

Are you satisfied with the article?
Satisfied
Unsatisfied